Kumander Kato patay na?

Duda ang militar na posibleng propaganda lamang ang kumakalat na balita ngayon sa Central Mindanao na patay na ang pasaway na si Moro Islamic Liberation Front Commander Ameril Umbra Kato.

Base sa mistulang bul­kang sumabog na ba­lita, si Commander Kato ay na­sawi umano mata­pos na magtamo ng ma­lub­hang sugat sa isang eng­kuwen­tro sa tropa ng mili­tar sa Maguindanao dalawang linggo na ang nakalilipas.

Sinabi ng tagapagsa­ lita ng 6th Infantry Division ng Philippine Army na si Col. Julieto Ando na hindi nila basta idedeklara na lamang na patay na si Com­mander Kato hang­ga’t wala silang nakuku­hang pruweba o di nahu­hu­kay ang bangkay nito. (Joy Cantos)

Show comments