Kumander Kato patay na?
Duda ang militar na posibleng propaganda lamang ang kumakalat na balita ngayon sa Central Mindanao na patay na ang pasaway na si Moro Islamic Liberation Front Commander Ameril Umbra Kato.
Base sa mistulang bulkang sumabog na balita, si Commander Kato ay nasawi umano matapos na magtamo ng malubhang sugat sa isang engkuwentro sa tropa ng militar sa Maguindanao dalawang linggo na ang nakalilipas.
Sinabi ng tagapagsa lita ng 6th Infantry Division ng Philippine Army na si Col. Julieto Ando na hindi nila basta idedeklara na lamang na patay na si Commander Kato hangga’t wala silang nakukuhang pruweba o di nahuhukay ang bangkay nito. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending