Banta sa kapaligiran nananatili sa bansa
Sa kabila ng pagpapalabas ng pastoral statement ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, naniniwala ito na nananatili pa ring may banta ng panganib sa kapaligiran.
Isinisi rin ng CBCP sa tatlong pangunahing banta sa kalikasan na kinabibilangan ng iresponsableng pagmimina, illegal na pagputol ng kahoy at global warming ang pagkasira ng kalikasan.
Ayon kay CBCP President at Jaro, Iloilo Archbishop Angel Lagdameo, makalipas ang may 20 taon matapos nilang ipalabas ang naturang pastoral letter hinggil sa proteksyon sa kalikasan ay nanatili aniya ang kabiguan sa mga nakalipas na taon.
Masasabi rin aniyang nasa panganib na ang ating bansa lalo na’t lahat aniya ng uri ng lupa at mga yamang dagat ay sinisira.
Bunsod nito, hinikayat ni Lagdameo ang publiko na gawin ang lahat para protektahan ang kalikasan, gaya ng kagubatan, coral reefs at mangroves. (Doris Franche)
- Latest
- Trending