BAGUIO CITY - Pinulong kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang National Peace and Order Council sa The Mansion upang talakayin ang sitwasyon ng kapayapaan at kaayusan sa bansa gayundin ang magiging seguridad kaugnay sa mga banta ng mga rebeldeng grupo at mga terorista.
Dumalo sa pulong sina Interior Secretary Ronaldo Puno, Defense Secretary Gilbert Teodoro, Presidential Adviser on the Peace Process Hermogenes Esperon Jr., at National Security Deputy-Director General Avelino Razon Jr.
Dumating kahapon si Pangulong Arroyo sa lungsod na ito matapos niyang bisitahin ang Urdaneta City at Binalonan sa Pangasinan.
Ininspeksyon ng Punong Ehekutibo ang bagong tayong Urdaneta City hall habang binisita rin niya ang Palay procurement activity sa NFA warehouse sa Binalonan. (Rudy Andal)