Inabswelto ng Ombudsman sa kasong kriminal at administratibo si Special Prosecutor II Luz Quinones Marcos na kinasuhan noon ni Special Prosecutor Dennis Villa-Ignacio dahil sa pag-absent without official leave sa loob ng 60 araw.
Kinatigan ni Ombudsman Mercidetas Gutierrez ang mosyon ni Marcos na humihiling na ipawalang-saysay ang desisyon nito na guilty sa kasong dishonesty, conduct prejudicial to the best interest of service, at falsification of public documents dahil wala namang sapat na batayan para siya ay parusahan sa mga kasong ito.
Inutos din ng Ombudsman na bumalik sa kanyang puwesto si Marcos nang hindi maapektuhan ang kanyang seniority rights. (Angie dela Cruz)