Cardinal Rosales natuwa sa dami ng nag-Simbang Gabi

Bagama’t kabi-kabila ang hirap at karahasan na dinaranas ng mga Filipino, nakatutuwang isipin na marami pa rin ang nagbibigay pugay at tumutupad sa tradisyon ng Simbang Gabi ng mga deboto sa ilang simba­han sa Metro Manila.

Ayon kay Manila Arch­bishop Gaudencio Cardinal Rosales, patu­nay lamang ito na sa ganitong panahon ng krisis, ang Panginoon pa rin ang nagsisilbing tak­buhan at sinusulingan ng mga Pinoy.

Dahil sa dami nga umano ng mga taong dumadalo sa Simbang Gabi, kinakailangan pa ng ilang simbahan na magdaos ng dalawa o tatlong misa kabilang ang anticipated dawn mas­ses, sa kahilingan na rin ng mga parishioner.

Sa bayan nga ng Balayan sa Batangas ay kinailangan ng parish priest na mag-request ng 15 seminary professors na magmimisa sa may tatlong barangay para sa Simbang Gabi.

Ayon sa Cardinal, ang malalim na pananam­palataya ng mga Pinoy sa “divine intervention” o “providence” ng Pangi­noon sa panahon ng krisis ang isa sa dahilan kung bakit maraming tao ang dumadagsa sa mga simbahan ngayon. (Doris Franche)

Show comments