P50-B naipamahagi ng SSS sa mga miyembro
Umaabot sa P50 Bilyon halaga ng pondo ang benefit disbursement na naipamahagi ng Social Security System (SSS) para sa mga miyembro nito sa loob ng siyam na buwan mula Enero hanggang Setyembre ng taong ito.
Ayon kay SSS President at CEO Romulo Neri, may 13 percent taas ang naipamahagi ng SSS ngayong taon kung ikukumpara noong 2007 sa kaparehong period.
“We encourage members to make paying their monthly contributions a habit to remain eligible for SSS benefits.. more contributions also translate to higher benefits,” pahayag ni Neri.
Anya, ang retirement payments ng ahensiya ay umaabot na sa P24.06 Bilyon o may kalahating halaga ng disbursement at death benefits naman ay umabot sa 84% ng kabuuang halaga.
Ang maternity claims ay tumaas ng 16 percent o may halagang P2.48 Bilyon mula sa dating P2.13 Bilyon sa kaparehong period.
Nakapagtala ang SSS ng double digit na paglaki ng bayarin sa death benefits na tumaas ng 13% o P18.2 bilyon at ang retirement claims ay tumaas ng 14 percent mula P21.09 bilyon noong nakaraang taon.
May kabuuang P2.43 bilyon ang naipalabas ng SSS sa pension benefits para sa partial at total disability benefits, P1.71 bilyon para sa funeral claims at P1.36 bilyon para sa sickness at health services mula Enero hangang Setyembre 2008. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending