^

Bansa

Bihag na pulis palalayain na ng NPA

- Joy Cantos -

Anumang oras ay palalayain na ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang bihag na pulis sa lalawigan ng Compostela Valley.

Gayunman sa kabila ng pangakong paglaya ni PO3 Eduardo Tumol ay patuloy pa ring pini­pigil at wala pa ring ka­tiyakan kung mapapa­laya ang bihag ring sun­dalong si 1st Lt. Vicente Cammayo.

Sa isang kalatas, nangako si Rigoberto Sanchez, spokesman ng NPA Southern Min­da­nao rebels sa rehi­yon, na sa lalong ma­da­ling panahon ay paka­kawalan na nila si Tumol bilang “act of good­wil“.

Ang nakatakdang pag­papalaya sa bihag na pulis, ayon pa kay Sanchez, ay kaugnay ng nakatak­dang ika-40 taong aniber­saryo ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa Disyembre 26.

“POW Tumol’s release is an act of goodwill in celebration of the 40th anniversary of the Communist Party of the Philippines. It is also based on humanitarian grounds as well-meaning individuals, personalities and peace advocates clamor for a negotiated and unilateral release,” ani Sanchez sa ipinala­bas na kalatas ng NPA.

Sinabi nito na si Tu­mol ay trinatrato ng maayos ng Merardo Arce Command alin­sunod sa International Humanitarian Law.

Si Tumol, kasapi ng 1105th Provincial Moble Group ay binihag ng mga rebeldeng komu­nista sa isang checkpoint sa Brgy. Baogo, Caraga, Davao Oriental noong Nobyem­bre 5.

Samantala wala pang katiyakan kung kailan mapapalaya si First Lieutenant Vicente Cammayo na binihag naman ng NPA rebels matapos na su­gatang makorner sa eng­ku­wentro sa Brgy. Ca­soon, Monkayo, Com­pos­tela Valley.

vuukle comment

BRGY

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

COMPOSTELA VALLEY

DAVAO ORIENTAL

EDUARDO TUMOL

FIRST LIEUTENANT VICENTE CAMMAYO

INTERNATIONAL HUMANITARIAN LAW

MERARDO ARCE COMMAND

NEW PEOPLE

PROVINCIAL MOBLE GROUP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with