Suhulan sa PDEA sisiyasatin

Inatasan kahapon ng Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbes­tigahan ang umano’y suhulan sa mga piskal at sa mga opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Binigyan ni Justice Secretary Raul Gonzalez ang NBI ng tatlong araw para magbigay ng ulat sa kanyang tang­gapan.

Ang kautusan ni Gonzalez ay nag-ugat matapos na mapaulat na sinusuhulan nina Joseph Ramirez, Jorge Giordano Joseph at Richard Santos Brodette ng halagang P50 milyon ang prosecutor at mga opisyal ng PDEA.

Ang mga suspek ay may kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at umano’y kabilang sa mga maiimpluwensiyang pamilya.

Ang umano’y bribery attempt ay maaring makasira sa kampanya ng gobyerno sa paglaban sa illegal drugs. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments