Pondo para sa mahihirap ginawang P10B

Dinoble ng Arroyo government sa P10 bilyon ang ilalaang pondo sa susu­nod na taon para sa Pan­tawid Pamilyang Pili­pino Program (4Ps) upang ma­tulungan ang mahihi­ rap na Filipino.

Sinabi DSWD Secretary Esperanza Cabral, ang karagdagang P5 bil­yong alokasyon ng gob­yerno para sa 4Ps ay ma­tutulungan ang may 640,000 households at mahigit 2 milyong kaba­taan para sa kanilang health at educational services.

“The additional funding for 4Ps will essentially double the number of beneficiaries who will get benefit by way of attending to school, getting their regular vaccination and preventive health check-ups to health centers,” wika pa ni Cabral sa press briefing sa Mala­canang.

Sinabi naman ni Press Secretary Jesus Dureza, ang programang ito ay bahagi ng paghahanda ng gobyerno sa posibleng maging epekto ng global economic crisis sa susu­nod na taon.

Wika pa ni Sec. Dure­za, ginawa ni Pangulong Arroyo na doblehin ang ilalaang pondo para sa 4Ps upang matulungan ang mahihirap na ma­mayan kahit maapektu­han tayo ng global economic crisis. (Rudy Andal)

Show comments