Sgt. Pacquiao pinarangalan
Matapos na umani ng karangalan nang matalo sa ‘dream match’ si Mexican-American boxer Oscar de la Hoya sa Las Vegas, Nevada, USA, binigyan kahapon ng award si Manny “Pacman” Pacquiao sa pagdiriwang ng ika-73 taong anibersaryo ng Armed Forces of the Philippines.
Pinangunahan naman ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang pagbibigay ng parangal sa mga military officers, enlisted personnel, military reservist na kinabibilangan ni Pacman at mga sibilyang empleyado.
Si Pacman, may ranggong Master Sergeant at isang reservist ng Philippine Army ay umani ng masigabong palakpakan mula sa mga manonood at maging sa mga opisyal na dumalo sa okasyon.
Binigyan ng Philippine Legion of Honor award si Pacman, bilang isa sa mga top awar dees matapos nitong matalo si dela Hoya. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending