^

Bansa

Holiday pay inilatag

-

Muling iginiit kaha­pon ng Department of Labor and Employment ang pay rules para sa mga regular holidays ngayong Disyembre 25,30 at Enero 1, 2009 gayundin sa mga special non-working days tulad ng Disyembe 26, 29 at Disyembre 31, 2008.

Ayon kay Labor and Employment Secretary Marianito Roque na, base sa Proclamation no. 1463 na inisyu ng Pa­ ngulong Gloria Arroyo, idineklara nito ang Disyembre 26, Biyer­nes, at Lunes Disyem­bre 29, 2008 bilang ka­ragda­gang special non-working days sa buong ban­sa upang magka­roon ng mas mahabang pagdi­riwang ng Pasko at Ba­gong Taon ang mama­mayang Pilipino.

Iginiit pa ni Roque na, sa nabanggit na proclamation, nanatiling regular holidays ang Dis­yembre 25, Araw ng Pasko at ang Disyem­bre 30, 2008, Rizal Day, gayundin ang Bagong Taon sa Enero 1.

Base sa Labor code, ang mga regular na em­pleyedo na papasok sa araw ng regular holiday ay bibigyan ng 200% ng kanyang basic salary para sa kan­yang unang walong oras at paglu­mampas dito ay karag­da­gang 30%.

Kapag naman hindi pumasok sa araw ng re­gular holiday ang em­pleyado ay bibigyan pa rin ito ng 100% ng kan­yang daily rate maliban na lamang kung naka leave with pay ito.

Kung natapat na­man sa day-off ay bibig­yan pa rin ang isang empleyado ng 100% ng kanyang daily rate mali­ban na la­mang kung on-leave ito.

Kung pumatak ito sa araw ng kanyang day-off ay bibigyan siya ng 200% para sa unang wa­long oras at karag­dagang 30% kapag lu­mampas pa siya sa wa­long oras na pagta-trabaho.

Para naman sa mga special non-working days na Disyembre 26,29 at Disyembre 31,2008 mayroong ka­ragdagang 130% ang isang empleyado para sa kanyang unang wa­long oras at karagda­gang 30% kapag lu­mam­pas ng walong oras na pagtra-trabaho.

Sa sandali namang hindi pumasok ang isang empleyado sa nasabing mga petsa ay walang ka­ragdagang sahod na matatanggap ang mga ito maliban na lamang kung mayroong naka­saad sa collective bargaining agreement (CBA) ng isang kum­panya na pu­ma­pabor   sa kani­lang mga em­ple­yado. (Gemma Garcia at Doris Franche)

BAGONG TAON

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

DISYEMBRE

DORIS FRANCHE

ENERO

GEMMA GARCIA

GLORIA ARROYO

LABOR AND EMPLOYMENT SECRETARY MARIANITO ROQUE

LUNES DISYEM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with