Pinay nurse sa Saudi tinarakan
Isang Filipino nurse na nagtatrabaho sa emergency ward ng National Guard Hospital sa Saudi Arabia ang sinaksak ng isang lalakeng may diperensya sa pag-iisip dahil sa pagme-makeup ng biktima.
Ito ang nabatid sa isang ulat ng GMA News bagaman hindi pa binanggit ang pangalan ng nurse. Ginagamot sa intensive care unit ang biktima habang isinusulat ito.
Sinasabi rin na, batay sa ulat ng online news site na Arab News, ang suspek ay may edad na mula 18 hanggang 20 anyos at anak ng isang opisyal ng National Guard.
Sinaksak ng suspek ang biktima dahil umano sa paglalagay nito ng makeup.
Sinasabi pa na naging gumon sa bawal na gamot ang suspek na agad namang nadakip ng military police.
- Latest
- Trending