^

Bansa

Liderato ng PNP pinagtibay ni Verzosa

-

Mag-iisang daang araw pa lang sa puwesto si Philippine National Police Director General Jesus A. Verzosa pero napalakas na niya ang liderato at institusyon ng PNP.

Pinangunahan ni Ver­zosa ang mga inisyatibo upang ibalik ang tunay na simbolo ng tsapa o badge of honor ng PNP bilang instrumento ng kapang­yarihan ng isang pulis, ayon sa batas at ng kan­yang katapatan at kara­ngalan sa paglilingkod at pangangalaga sa publiko.

Bilang patunay, walang sinayang na oras si Ver­zosa sa kanyang pagtun­tong sa puwesto nang pasi­mulan niya ang leadership at organizational development training para sa lahat ng mga comman­ders at pinuno ng bawat opisina sa kabuuang pu­wersa ng PNP sa buong bansa.

Malaki ang paniniwala niya na sa pamamagitan ng pagpapalakas at pag­papalawak ng liderato at pagpapasa ng respon­sibilidad sa hanay ng mga marurunong na commanders at iba pang mga opis­yales, mapapalakas ng institusyon ang kapasidad at kakayahan ng PNP na maglingkod sa mga tao at mga komunidad.

Ilan ngang kilalang human rights advocates ang nagbigay-pugay sa kanya dahil sa pagbibigay niya ng makataong anyo sa institusyon. Pinatigil niya ang paghaharap ng mga suspek sa media at publiko o ang tinatawag na firing squad presentation. Ipinagbawal din niya ang pagsasa-ere o pagla­lat­hala ng mga video o lit­rato na naglalarawan ng anu­mang uri ng karahasan laban sa mga suspek na nasa kustodya ng kapulisan.

Nakatakdang maabot ni Gen. Verzosa ang kan­yang ika-100 araw sa pu­westo sa Enero 4, 2009 ngunit ngayon pa lang ay nakikita na ang resulta ng kanyang mga programa. (Butch Quejada)

BILANG

BUTCH QUEJADA

DIRECTOR GENERAL

ENERO

JESUS A

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SHY

VERZOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with