^

Bansa

Bureau of Immigration wala na sa listahan ng red tape

-

Inalis na ang Bureau of Immigration (BI) sa lista­han ng Top 10 government agencies na pinuputakti ng problema sa red tape at pagkaantala sa pagpro­seso ng dokumento.

Batay sa update ng Top 10 agencies na may problema sa red tape na isinumite ng National Competitiveness Council (NCC), wala na ang BI sa nasabing listahan.

Bago rito, ang BI ay ikatlo sa listahan dahil sa haba ng panahon bago maproseso ang working visas ng expatriates.

Binuo noong October 2006, ang NCC ay isang public-private task force na layong pagandahin ang business competitiveness ng bansa mula sa ikatlo sa pinakamababa patungong Top 3 pagdating ng 2010.

Ito ay pinamumunuan nina Trade and Industry Secretary Peter Favila para sa public sector at Ambassador Cezar Bau­tista para sa private sector.

Sa bagong NCC update, naalis ang BI sa listahan dahil natugunan na ang pagpo-proseso ng working visas sa tulong ng Visa Issuance Made Simple (VIMS) program ng ahensiya.

Nagtagumpay ang VIMS na tabasin ang processing time sa visa applications ng 80 percent at documentary requirements ng 40 percent. (Butch Quejada)

AMBASSADOR CEZAR BAU

BATAY

BINUO

BUREAU OF IMMIGRATION

BUTCH QUEJADA

INALIS

NATIONAL COMPETITIVENESS COUNCIL

TRADE AND INDUSTRY SECRETARY PETER FAVILA

VISA ISSUANCE MADE SIMPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with