Hindi pinapayagan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagbibiyahe sa barko ng firecrackers at pyrotechnics kaya dapat umanong ireport ito sakaling may lumalabag dito.
Ito ang ipinatutupad ngayon sa mga daungan dahil sa inaasahang pagbibiyahe ng mga paputok na gagamitin ng mga taga-lalawigan sa Kapaskuhan at pagsalubong sa Bagong Taon.
Gayunman, tiniyak ni PCG commandant Vice Admiral Wilfredo Tamayo na sakaling may special permit ang magbibiyahe ng mga paputok, papayagan lamang ito subalit hiwalay ito sa mga pasahero at sa cargo isasakay upang maiwasan ang accidental explosion na banta sa buhay ng mga pasahero.
Sakaling may makikitang paglabag o nagpapalusot nito, mag-report lamang sa DOTC hotline 7890, o sa PCG hotline 5278481.
Maaari ring magtext sa Coast Guard, 0917-PCGDOTC o 09177245682. (Ludy Bermudo)