110 yrs. hatol kay Mayor

Hinatulan ng Sandi­gan­bayan Anti Graft Court na makulong ng 110 taon at 6 na buwan ang isang alkal­ de ng isang bayan sa lala­wigan ng Quezon bunsod ng 221 bilang ng mga ka­song kriminal bunga ng iligal nitong pag-iisyu ng logging permits mula taong 2002 hanggang 2004.

Sa 49-pahinang de­sis­yon ni Sandiganbayan 1st division Associate Justice Alexander Ges­mundo, na­patunayang nagkasala ng walang pag-aalinlangan sa ka­song usurpation of official functions sa ilalim ng revised penal code si Mayor Leovegildo Ruzol, mayor ng General Nakar, Que­zon.

Sa desisyon ng anti-graft court, binigyang diin nito na walang karapatan si Ruzol na mag-isyu ng logging permits.

Nilinaw ng Sandigan­bayan na alinsunod sa batas, tanging ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) lamang ang nag-iisyu ng logging permit at walang kinalaman dito ang alin­ mang local officials sa bansa. (Angie dela Cruz)

Show comments