110 yrs. hatol kay Mayor
Hinatulan ng Sandiganbayan Anti Graft Court na makulong ng 110 taon at 6 na buwan ang isang alkal de ng isang bayan sa lalawigan ng Quezon bunsod ng 221 bilang ng mga kasong kriminal bunga ng iligal nitong pag-iisyu ng logging permits mula taong 2002 hanggang 2004.
Sa 49-pahinang desisyon ni Sandiganbayan 1st division Associate Justice Alexander Gesmundo, napatunayang nagkasala ng walang pag-aalinlangan sa kasong usurpation of official functions sa ilalim ng revised penal code si Mayor Leovegildo Ruzol, mayor ng General Nakar, Quezon.
Sa desisyon ng anti-graft court, binigyang diin nito na walang karapatan si Ruzol na mag-isyu ng logging permits.
Nilinaw ng Sandiganbayan na alinsunod sa batas, tanging ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) lamang ang nag-iisyu ng logging permit at walang kinalaman dito ang alin mang local officials sa bansa. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending