^

Bansa

Mga Korte sa Sulu walang judge

- Ni Malou Escudero -

Labis na ikinababa­hala ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. ang kawalan ng judge na nais magtrabaho sa Sulu dahil sa pangamba sa kanilang kaligtasan.

Ayon kay Pimentel, dapat ay mayroong apat na Regional Trial Courts maliban pa sa mga municipal trial courts sa 18 bayan sa Sulu, pero ayon umano sa impormasyong kanyang nakuha, walang gustong magdaos ng hearing o sesyon sa na­sa­bing probinsiya at isi­nasagawa pa ito sa Zam­boanga City sa Zam­boanga del Sur.  

“There are supposed to be four Regional Trial Courts aside from municipal trial courts in the l8 towns in Sulu, but all the assigned judges stay and hold sessions in Zam­boanga City in Zam­boanga del Sur due to concerns for their personal safety,” sabi ni Pimentel.

Lumabas aniya na walang umiiral na justice system sa Sulu at kinaka­ilangan pang magbiyahe ng malayo patungong Zamboanga City ang mga nais magsampa ng kaso. 

Sinabi pa ni Pimentel na dahil maituturing na “virtually non-existent” ang mga korte sa Sulu, lalong lumalaki ang pro­blema sa batas sa nasa­bing probinsiya na pina­lala pa ng problema sa insureksiyon.

Ayon pa kay Pimentel, dahil walang legal system sa Sulu, posibleng dina­daan na lamang sa gan­tihan o dahas ang mga kasong dapat isinasampa sa korte.

“If there is no working legal system in Sulu, where will the people seek redress for their grievances? Probably, they will resort to what Mao Tse Tung had once said that power emanates from the barrel of the gun. And that is probably what is happening in Sulu today,” ani Pimentel.

Kaugnay nito, iginiit ni Pimentel kay Sen. Fran­cis “Chiz” Escudero, chairman ng committee on justice and human rights, at sa kanyang counterpart sa House of Representatives, na pag-aralan ang posibilidad nang pagtataas ng sahod ng mga judges sa Sulu at pagbibigay sa kanila ng seguridad upang hindi matakot na gampanan ang kanilang tungkulin.

Matagal na rin uma­nong walang sitting jud­ges sa Sulu at maliwanag na nagbubulag-bulagan at pinagwawalang bahala na lamang ng gobyerno ang nasabing problema.

“I cannot imagine how we can consider Sulu as a part of the Republic of the Philippines if there is not a single working sala of the courts there,” pagtatapos ni Pimentel.

AYON

HOUSE OF REPRESENTATIVES

MAO TSE TUNG

PIMENTEL

REGIONAL TRIAL COURTS

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

SENATE MINORITY LEADER AQUILINO PIMENTEL JR.

SHY

SULU

ZAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with