^

Bansa

Senado sasaklolo sa nagsarang local banks

-

Nais saklolohan ng Senado ang mga depositors ng maliliit na bangko na nagsara kamakailan sa pamamagitan ng isang im­bestigasyon at pagpapata­wag sa mga opisyal ng mga rural bank.

Sa resolusyong inihain ni Sen. Miriam Defensor-Santiago, sinabi nito na dapat aksiyunan ng gob­yerno ang nasabing bank run kung saan naiipit ang pera ng mga depositors.

Sinabi ni Santiago sa kanyang Senate Resolution 812 na dapat malaman kung bakit nagdeklara ng bank holiday ang apat (4) na local banks.

Sa pagbabalik ng ses­yon ng Senado sa Enero, nakatakdang ipatawag ni Santiago ang mga may-ari at managers ng mga local banks nagdeklara ng bank holiday.

Partikular na nais ni Santiago na maisalang sa hot seat ang mga managers at may-ari ng Philippine Countryside Bank sa Cebu, Dynamic Bank sa Cala­tagan, Batangas, San Pa­blo City Development Bank at Nation Bank sa Bacolod city.

Samantala, pinabubu­sisi din ni Santiago ang pag­sasailalim sa receivership ng Philippine Deposits Insurance Corporation (PDIC) sa Rural Bank of Bais sa Negros Oriental, Pilipino Rural Bank sa Cebu at Rural Bank of San Jose naka-base sa San Jose, Batangas.

Kailangan aniyang ma­tukoy ng Upper House kung ano ang naging pag­labag sa banking laws at kung kapos ang protek­syong ibinibigay ng gob­yerno sa buong banking industry. (Malou Escudero)

BANK

BATANGAS

CEBU

CITY DEVELOPMENT BANK

DYNAMIC BANK

MALOU ESCUDERO

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

NATION BANK

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with