^

Bansa

Dumlao darating na sa Enero

-

Inaasahan nang dara­ting sa bansa sa Enero 2009 si dating Supt. Glen Dumlao na isa sa pangu­nahing suspek sa Dacer-Corbito double murder case.

Ayon kay Justice State Prosecutor Philip Kimpo na siyang may hawak ng natu­ rang kaso, napaaga ang inaasahang pagpa­pade­port ng Amerika kay Dum­lao dahil na rin sa hindi nito pagkuwestiyon sa extradition request na isinulong ng Pilipinas laban sa kanya na syang nagbigay daan para ares­tuhin at ipiit ito sa New York.

Ani Kimpo, sa Marso 2009 ang unang ibinigay na petsa ng New York District Court na maipa­padeport si Dumlao ngu­nit sa susunod na buwan ay kanila nang pagha­handaan ang pag­pa­pade­port dito.

Sa ngayon ay nagpu­pulong na umano ang State Prosecutors para mapag­handaan ang kon­trober­siyal na kaso dahil na rin sa pagdating ng isa sa pa­ngunahing suspek sa kaso, ani Kimpo, Pag­karaan ni Dumlao ay ka­nila ring pag­hahan­daan ang pag­pa­pa­deport sa isa pang suspek sa kaso na si Supt. Cesar Mancao na nakapiit naman sa Florida.

Inamin ni Kimpo na kinokonsidera nila na ma­ging state witness si Dum­lao sa kaso sakaling aminin nito ang kanyang naging partisipasyon sa krimen at isiwalat ang nalalaman mula sa pagdukot sa mga bik­tima hanggang sa ma­pa­tay at matagpuan ang mga bangkay sa Cavite noong Nobyembre 2000.

Sa ilalim umano ng Rules of Court ay kaila­ngan muna na maging isang aku­sado ang isang magiging state witness. (Gemma Amargo Garcia)

ANI KIMPO

CESAR MANCAO

DUMLAO

GEMMA AMARGO GARCIA

GLEN DUMLAO

JUSTICE STATE PROSECUTOR PHILIP KIMPO

KIMPO

NEW YORK

NEW YORK DISTRICT COURT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with