^

Bansa

4 sa fertilizer scam ipinaaaresto

-

Pinirmahan na kagabi ng 13 senador ang warrant of arrest ng apat na katao dahil sa patuloy na pag-isnab sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa P728M fertilizer fund scam.

Kabilang sa mga pina-aaresto ang dalawang supplier ng fertilizer na sina Redentor Antolin at Julie Gregorio; financier na si Jaime Paule at sinasabing “runner” ni dating Agriculture undersecretary Jo­celyn “Jocjoc” Bolante na si Marites Aytona.

Kung maaresto ang apat, inatasan ng Senado ang Office of the Sergeant-at-Arms na pinamumu­nuan ni retired Gen. Jose Ba­lajadia na dalhin at ipakulong ang mga ito sa Pasay City Jail.

Si Antolin ay ipinapa­aresto matapos ma-contempt dahil sa ginawa umano nitong pagsisinu­ngaling sa hearing ng komite noong Disyembre 10.

“For testifying falsely or evasively in the Commit­tee’s hearing on December 10, 2008, thereby delaying, impeding and obstructing the inquiry into the subject reporter irregularities, Mr. Redentor Antolin is hereby cited in contempt,” anang ipinalabas na dokumento ng tanggapan ni Sen. Richard Gordon, chairman ng komite.

Sina Gregorio, Aytona at Paule ay ipinapaaresto naman dahil kahit isang beses ay hindi sila dumalo sa hearing ng komite.

Sa Enero 20, 2009 muling itinakda ang hearing ng komite, pero hindi na muling pahaharapin ng mga senador si Bolante dahil hindi naman umano ito nagsasabi ng totoo sa imbestigasyon. (Malou Escudero)

BOLANTE

JAIME PAULE

JOSE BA

JULIE GREGORIO

MALOU ESCUDERO

MARITES AYTONA

MR. REDENTOR ANTOLIN

OFFICE OF THE SERGEANT

PASAY CITY JAIL

REDENTOR ANTOLIN

RICHARD GORDON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with