^

Bansa

Kabataan hindi nagbabasa ng Bible

-

Ibinunyag ni Archdiocese of Manila Biblical Apostolate Chairman Fr. Tony Navarette na ma­ra­ming mga Pilipino partikular ang mga kabataan ay bina­ balewala ang pagbabasa ng Bibliya.

Ayon kay Fr. Navarette, nakalulungkot isipin na mas abala pa ang tao sa mga makamundong bagay kaysa pag-aralan ang mga salita ng Diyos na puwedeng magamit sa kanilang pagpapasya at pakiki-salamuha sa kapwa.

Hindi aniya nakagugulat kung bumagsak man ang moralidad at political status ng bansa dahil na rin sa pagbalewala ng tao sa mga salita ng Panginoon.

Una rito, inilunsad ng Archdiocese of Manila ang “Biblia Festival 2008” sa Manila Cathedral, Intra­muros, Manila.

Target ng festival na mahimok ang mga mana­nampalatayang Katoliko na basahin at isabuhay ang diwa na isinasaad ng Bibliya. (Doris Franche)

vuukle comment

ARCHDIOCESE OF MANILA

ARCHDIOCESE OF MANILA BIBLICAL APOSTOLATE CHAIRMAN FR

AYON

BIBLIA FESTIVAL

BIBLIYA

DIYOS

DORIS FRANCHE

IBINUNYAG

MANILA CATHEDRAL

TONY NAVARETTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with