7 naghati sa Lotto jackpot

Pitong katao mula sa Luzon ang magha­hati-hati sa napanalu­nan nilang P180.3 million jackpot sa bola ng Philippine Charity Sweep­stakes para sa Super­lotto 6/49 draw nitong linggo ng gabi.

Ang numerong ti­na­ maan ng pitong na­nalo ay ang winning com­bination na 13-24-27-08-42-31 na may premyong P180,299,930.40.

Hindi naman pina­nga­lanan ng PCSO ang mga nanalo para sa seguridad ng mga ito.

Inaasahan ng PCSO na may makikipag ug­nayan na sa ahensiya sa pitong nanalo para makuha ang naturang salapi na kanilang na­panalunan. (Angie dela Cruz)

Show comments