^

Bansa

Multa nakaamba sa jeepney drivers

-

Nagbabala kaha­pon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board na parurusahan nito ang mga operator at driver ng mga pampa­saherong sasakyan tulad ng bus, jeep at taxi kapag hindi sila nagbawas ng singil sa pasahe.

Sinabi ni LTFRB Chairman Thompson Lantion na nagsimula nang busisiin ng ahen­siya kung may mga reklamo ang mga commuters laban sa mga driver na lalabag sa kautusan ng ahen­sya sa fare rollback.

Epektibo kahapon, P7.50 ang minimum na pasahe sa pampasa­herong jeep; P9.50 ang minimum na pa­sahe sa ordinary Metro Manila bus, P11.00 sa aircondi­tioned Metro Manila buses at tinang­gal na rin ang P10 ADD On sa pasahe sa taxi. Limang sentimos na­man ba­wat kilometro ang ba­was sa pasahe sa mga bus na bumi­biyahe sa mga lalawi­gan.

“Ipapatawag natin ang operator, baka nakalimutan lang.. may karapatang sa­bihan ang driver pero kung ayaw magbigay ng rollback, kunin ang pangalan at plate number at isumbong sa amin,” ayon naman kay LTFRB NCR Director Emmanuel Mahi­pus.

Ang LTFRB hotlines na maaaring pagsum­bungan ay 0921-448­7777 o sa LTFRB web­site na www.ltfrb.gov. ph.

Nilinaw din ni Mahi­pus na wala nang fare matrix para sa rollback dahil ito ay provisional rollback o hindi na ka­ila­ngang mag isyu ng fare matrix.

Anya, aabot sa P3,000 ang penalty para first offense, P4,000 sa second offense at P5,000 para sa third offense.

Kapag umabot sa ika-apat na offense merits, may multang P5,000 at suspension ng franchise sa mga dri­ver at operator na hindi mag­ba­baba ng singil sa pa­sahe. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

ANYA

CHAIRMAN THOMPSON LANTION

CRUZ

DIRECTOR EMMANUEL MAHI

EPEKTIBO

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

METRO MANILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with