Obispo nasa hunger strike

Pinangunahan ka­ha­pon ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo ang “hunger strike” sa ha­rap ng Kongreso upang hi­ lingin ang pagpapa­lawig ng Comprehensive Agrarian Reform Program.

Kasama ni Pabillo na chairman din ng National Secretariat for Social Action ng Ca­tholic Bishops’ Conference of the Philip­pines ang ilang mga mag­sasaka at religious sisters.

Bukas ang huling araw ng Kongreso upang pagbotohan ng mga mambabatas ang panukalang batas na naglalayong palawigin pa ang CARP.

Kahapon ay ipina­dala na kay House Speaker Prospero No­grales ang liham mula sa mga obispo ng Sim­bahang Katoliko hing­gil sa CARP.

Sa nasabing liham, hinihiling ng simbahan na pairalin ang national interest at ipasa ang HB 4077 at SB 2666 bago mag recess ang Kon­gre­so. (Doris Franche)

Show comments