Obispo nasa hunger strike
Pinangunahan kahapon ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo ang “hunger strike” sa harap ng Kongreso upang hi lingin ang pagpapalawig ng Comprehensive Agrarian Reform Program.
Kasama ni Pabillo na chairman din ng National Secretariat for Social Action ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang ilang mga magsasaka at religious sisters.
Bukas ang huling araw ng Kongreso upang pagbotohan ng mga mambabatas ang panukalang batas na naglalayong palawigin pa ang CARP.
Kahapon ay ipinadala na kay House Speaker Prospero Nograles ang liham mula sa mga obispo ng Simbahang Katoliko hinggil sa CARP.
Sa nasabing liham, hinihiling ng simbahan na pairalin ang national interest at ipasa ang HB 4077 at SB 2666 bago mag recess ang Kongreso. (Doris Franche)
- Latest
- Trending