^

Bansa

Mga baboy sa VisMin malabong magka-ebola

-

Malabo na mahawa ng ‘Ebola reston virus’ ang mga baboy na buhat sa Visayas at Mindanao kaya walang dapat ipa­ngamba ang publiko sa mga hayup na mangga­galing sa natu­ rang mga rehiyon.

Sinabi ni Department of Agriculture Secretary Arthur Yap na 1998 pa umano ipi­natigil ang pag­bibiyahe ng mga baboy mula sa Luzon patungo sa Visayas at Min­danao kaya hindi magkaka­roon ng hawahan ang mga ito.

Naniniwala naman ang DA at Department of Health na matagal bago magka­hawahan ng natu­rang virus ang mga baboy kahit na matagal nang na-expose ang mga ito sa mga apek­tadong hayop. 

Ito’y matapos na lu­ma­bas ang resulta sa pagsu­suri ng ‘blood sam­ple’ na ipi­nadala sa Esta­dos Uni­dos ng mga baboy na ka­sama ng mga hayop na unang natagpuang positibo sa ebola reston virus. Na­batid sa pagsu­suri na wa­lang sakit ang mga ito. (Danilo Garcia)

vuukle comment

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF AGRICULTURE SECRETARY ARTHUR YAP

DEPARTMENT OF HEALTH

EBOLA

ESTA

LUZON

SHY

VISAYAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with