Sinigurado kahapon ni Presidential Management Staff (PMS) head Cerge Remonde na ihahayag nila sa mga darating na araw ang mga kandidato ng administrasyon PARA SA 2010.
Si Presidential Political Affairs Adviser Gabriel Claudio umano ang magha hayag sa publiko kung sino-sino ang magiging manok ng administrasyon kaya wala umanong katotohan na pinapalutang na No-El o no election sa 2010..
Pero tumanggi si Remonde na tukuyin kung pati kandidato sa pagka-pangulo ay ihahayag sa mga darating na araw.
Napabalita na kabilang mga posibleng pagpilian ng Palasyo sina Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Bayani Fernando at Defense Secretary Gilberto Teodoro.
Sinigurado pa ni Remonde na sakaling magkaroon ng bakante sa mga posisyon ng Gabinete dahil sa napipintong announcement ng mga tatakbo sa 2010, ito ay hahanapan ng kuwalipikadong kapalit sa puwesto. (Malou Escudero)