P10T bonus ng gov't workers ibibigay na sa Lunes
Matatanggap na ng mga government workers ang kanilang P10,000 performance bonus simula sa Lunes.
Ayon kay Budget Secretary Rolando Andaya Jr., naihanda na ang mga kaukulang dokumento para sa national government’s share na P7,000 para sa bawat government employee habang ang natitirang P3,000 naman ay magmumula sa savings ng bawat ahensiya ng gobyerno na kanilang pinaglilingkuran.
Ang nasabing performance bonus ay hiwalay sa tatanggapin nilang 13th month pay na ang kalahati ay natanggap na noong June habang ang kalahati ay nitong Disyembre.
Wika pa ni Andaya, hiwalay din ito sa matatanggap na cash gift ng mga government employees.
“All permanent, temporary, casual or contractual personnel of national government agencies, government owned and controlled corporations, and government financial institutions who rendered at least four months of service are entitled to performance bonus,” sabi ni Andaya.
Aniya, ang mga empleyado na wala pang apat na buwan na naglilingkod sa pamahalaan ay makakatanggap naman ng pro-rated performance bonus. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending