^

Bansa

LTO official pinasibak ng CSC sa pekeng civil service eligibility

-

Pinasibak ng Civil Service Commission (CSC) ang isang mataas na opisyal ng Land Transportation Office (LTO) mata­pos mapatunayang nagka­sala sa kasong adminis­tratibo tulad ng falsification of official documents, serious dishonesty, grave misconduct at conduct prejudicial to the best interest of the service.

Sa 16-pahinang desis­yon ng CSC na nilagdaan ni CSC Region 4 director Lydia Castillo, napatuna­yan na ang akusadong si Ramon M. Mendeja, OIC ng registration division ng LTO-Lucena City ay na­meke ng kanyang civil service eligibility para ma­promote sa trabaho.

Nadiskubre umano ng CSC na gumamit ng isang tao si Mendeja upang kumuha ng eligibility exam noong Abril 1, 2001 sa Lucena City at naipasa ito. Sinasabing makailang beses nang nag-take ng Career Service Professional Examination si Mendeja pero bagsak ito kaya kumuha ng taong kukuha ng naturang eksa­min para sa kanya.

Nakasaad pa sa de­sisyon na nang maipasa ang eligibility exam sa rating na 86.76 percent sa pamamagitan ng ibang katauhan, nagamit ito ni Mendeja na mapromote bilang supply officer 1 noong Nobyembre 8, 2001 ng LTO Regional Office 4, Lipa City hanggang sa maging OIC ng registration division ng LTO Lucena City.

Hindi naman pinaking­gan ng CSC ang alegas­yon ni Mendeja sa kan­yang counter affidavit na walang katotohanan ang pamemeke ng result ng eligibility exam.

Isang Exuperancia V. Aguilar, supervising Transportation Regulation Office ng LTO Lucena, ang nag­sampa ng kaso kay Men­deja noong 2005 nang malaman na nakapuwesto ito sa pamamagitan ng pekeng eligibility. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

CAREER SERVICE PROFESSIONAL EXAMINATION

CIVIL SERVICE COMMISSION

ISANG EXUPERANCIA V

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LIPA CITY

LUCENA CITY

LYDIA CASTILLO

MENDEJA

RAMON M

REGIONAL OFFICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with