^

Bansa

BI Manila office bukas sa Dis. 26, 29, 31

-

Kahit holiday, business as usual pa rin ang Bureau of Immigration (BI).

Inihayag ng BI na bukas ang main office nito sa Intramuros, Manila sa December 26, 29 at 31 upang magbigay ng serbisyo sa publiko kahit na pista opisyal.

Inatasan ni Immigration Commissioner Marcelino Libanan ang lahat ng division at section chief na mag­lagay ng skeletal force na tatao sa kani-kanilang mga opisina sa mga nasabing petsa na idineklara ni Pangulong Arroyo bilang special non-working holidays.

Resulta nito, sinabi ni Libanan na hindi na mag-aantay pa ng katapusan ng mahabang Christmas break ang mga dayuhan na nais makipagtransaksiyon sa ahensiya.

Ayon naman kay Manuel Ferdinand Arbas, BI technical staff head, puwede ring maghain ng petisyon para sa pagbababago ng immigration status, mag-apply para sa dual citizenship o renewal ng ACR I-Cards ang mga dayuhan sa nasabing mga petsa,

Bente-kuwatro oras naman ang operasyon ng BI National Operations Center (BINOC) sa kabuuan ng holiday break.

AYON

BUREAU OF IMMIGRATION

I-CARDS

IMMIGRATION COMMISSIONER MARCELINO LIBANAN

INATASAN

INIHAYAG

INTRAMUROS

MANUEL FERDINAND ARBAS

NATIONAL OPERATIONS CENTER

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with