4 Pinoy todas sa car mishap sa Canada
Apat na Pilipino ang nasawi sa isang aksidente sa isang highway sa Alberta, Canada nitong nakaraang Linggo.
Kinilala sa ulat ng lokal na pahayagang Edmonton Journal ang mga biktima na sina Renato Huegas, 47 anyos; April Buenaflor, 23; Yvette Nones, 28, at Ralph Adriano, 49.
Sinasabi sa ulat na lulan ng sport utility vehicle ang mga biktima patungo sa Edmonton nang sumalpok sila sa isang semi-trailer sa Highway 63 malapit sa Wandering River.
Sina Huegasm Buenaflor at Nones ay mga temporary worker sa Alberta samantalang si Adriano ay matagal nang residente sa Fort McMurray sa Alberta.
Bahagyang nasugatan ang driver ng semi-trailer at pinakawalan din ng mga awtoridad kinalaunan.
- Latest
- Trending