^

Bansa

Wala nang rollback!

- Rose Tamayo-Tesoro -

Tiniyak ng mga oil companies sa bansa na wala na umanong maa­asahan pang “big-time rollback” sa produktong petrolyo kahit pa man pasapit na ang Kapas­kuhan.

Ang nasabing katiya­kan ay inilahad mismo ng mga pamunuan ng Pilipinas Shell, Petron at Chevron kay Department of Energy (DOE) Secretary Angelo Reyes sa pag­pupulong ng mga ito.

Ayon sa nasabing mga oil companies, ang P1 sa gasolina at P3 sa diesel na kanilang itinap­yas noong December 2 ang huling rollback na kanilang maibibigay kaya malabo na uma­nong mangyari pa ang inaasam na panibagong “big-time” rollback.

Giit ng “Big 3” sagad na umano ang kanilang ikinasang pag-tapyas sa kanilang mga produk­tong petrolyo noong mga na­karaang araw.

Dahil dito, nagbanta naman kahapon ang iba’t ibang sektor ng transpor­tasyon na mag­sasagawa sila ng isang organisado at malawa­kang pamban­sang trans­port strike ngayong Biyernes laban sa mga oil companies at sa pamahalaan dahil sa umano’y patuloy na pag­papabaya nito sa tulu­yang pagbasura sa Oil Deregulation Law at sa 12 % na buwis sa langis.

Ayon kay Pasang Mas­da national president Obet Martin, dapat ay P10 pa kada-litro pa ang nararapat na-iroll­back ng mga kompanya ng langis partikular sa diesel dahil malaki na ang ibinaba ng oil price sa world market.

AYON

BIYERNES

DEPARTMENT OF ENERGY

OBET MARTIN

OIL DEREGULATION LAW

PASANG MAS

PILIPINAS SHELL

SECRETARY ANGELO REYES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with