Presyo ng tinapay bumaba
Ibinaba kahapon ng mga panaderong miyembro ng Philippine Baking Industry Group ang presyo ng mga paninda nilang tinapay bagaman sinabi ni PhilBaking President Simplicio Umali na magpapatuloy pa ang pagbaba ng halaga ng kanilang mga produkto kapag nagpatuloy ang pagbagsak ng presyo ng harina sa bansa.
Sa pahayag ng PhilBaking, binawasan nila ng P1.00 ang presyo ng classic loaf bread samantalang 50 sentimos ang kinaltas sa presyo ng isang supot ng pandesal na may lamang 10 piraso.
Sinabi pa ni Umali na umaasa silang bababa pa ang halaga ng harina sa susunod na taon upang magpatuloy naman ang pagbaba ng halaga ng tinapay sa bansa.
Sa ngayon, P840 na lamang ang presyo ng harina kada bag mula sa dating presyo nitong P940 kada bag. (Angie dela Cruz at Rose Tamayo Tesoro)
- Latest
- Trending