Pacquiao itatalagang peace envoy

Takdang italaga ni Pangulong Gloria Ma­ca­pagal-Arroyo ang boxing idol na si Manny Pacquiao bilang Ambassador of Peace pagbalik nito sa bansa bukas kasunod ng pag­kapanalo nito sa laban nito kay Oscar dela Hoya.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Lorelei Fajardo na babatiin ng Pangulo si Pacquiao sa Malaca­nang pagdating sa ban­sa ng sikat na boksi­ngero.

Ayon pa kay Fajar­do, inihahanda ng Pa­ngulo ang pagtatalaga kay Pacquiao bilang peace ambassador ng Pilipinas.

Kinumpirma rin ni Fajardo na inalok din si Pacquiao na kumandi­datong kinatawan sa Kongreso ng Quezon City sa halalan sa 2010.

Samantala, ilang mi­yembro ng Konseho ng lunsod ng Maynila ang nagmungkahi kahapon na ipagtayo ng isang bantayog si Pacquiao kasunod ng pagkapa­nalo niya sa kanyang la­ban kay Oscar dela Hoya noong Linggo.

Sinabi nina 3rd District Councilors Ernesto Isip at Yul Servo at 2nd district Councilor Ivy Va­rona na dapat la­ mang na mataas na pagkilala ang igawad ng Maynila kay Pac­quiao lalo pa’t adopted son ito ng lungsod. (Rudy Andal at Doris Franche)

Show comments