Pacquiao itatalagang peace envoy
Takdang italaga ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang boxing idol na si Manny Pacquiao bilang Ambassador of Peace pagbalik nito sa bansa bukas kasunod ng pagkapanalo nito sa laban nito kay Oscar dela Hoya.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Lorelei Fajardo na babatiin ng Pangulo si Pacquiao sa Malacanang pagdating sa bansa ng sikat na boksingero.
Ayon pa kay Fajardo, inihahanda ng Pangulo ang pagtatalaga kay Pacquiao bilang peace ambassador ng Pilipinas.
Kinumpirma rin ni Fajardo na inalok din si Pacquiao na kumandidatong kinatawan sa Kongreso ng Quezon City sa halalan sa 2010.
Samantala, ilang miyembro ng Konseho ng lunsod ng Maynila ang nagmungkahi kahapon na ipagtayo ng isang bantayog si Pacquiao kasunod ng pagkapanalo niya sa kanyang laban kay Oscar dela Hoya noong Linggo.
Sinabi nina 3rd District Councilors Ernesto Isip at Yul Servo at 2nd district Councilor Ivy Varona na dapat la mang na mataas na pagkilala ang igawad ng Maynila kay Pacquiao lalo pa’t adopted son ito ng lungsod. (Rudy Andal at Doris Franche)
- Latest
- Trending