Cha-Cha okay sa prexy ng PTLA

Suportado ni three-time Philippine Trial Lawyers Association President Atty. Jose Icaonapo ang pag-amyenda sa Konstitusiyon subalit ito ay kailangang sa pamamagitan ng Constitutional Convention o Concon.

Ayon kay Icaonapo, ito lamang ang tanging paraan dahil ang Con-Con delegates ay maaaring ihalal kasabay ng national at local election sa May 10, 2010.

Naniniwala din si Icaonapo na, sa eleksiyon ng Con-Con delegates, maiiwasan ang anumang political interference at mas makatitipid ng pera ng mamamayan.

Idinagdag pa ni Icaonapo na ito rin ang paraan upang mawala ang takot ng publiko na posibleng gami­tin ang Charter Change upang pahabain pa ng pa­ngulo at ibang opisyal ang kanilang termino. (Doris M. Franche)

Show comments