Sasanayin nang humawak ng baril ng Korte Suprema ang mga hukom sa buong bansa upang ma pangalagaan ang kanilang mga sarili laban sa masasamang loob na balak pumaslang sa kanila.
Nabatid na magsasagawa ng personal security training para sa mga huwes ang Korte Supre ma simula ngayon na gagawin sa Bohol at magtatapos sa Disyembre 11.
Layunin ng tatlong araw na seminar na maitaas pa ang kaalaman ng mga hukom sa kanilang pansariling seguridad at madagdagan ang kanilang kaalaman sa kanilang dapat gawin sa oras ng kagipitan kapag nalalagay na sila sa sitwasyong alanganin tulad ng pananambang.
Base sa record ng Korte Suprema, mula taong 1999 hanggang 2007 ay 15 hukom na ang napapaslang sa buong bansa. (Gemma Amargo-Garcia)