Matapos ang mata gumpay na laban ni People’s Champ Manny “Pacman” Pacquiao, isinulong kahapon ni Sen. Juan Miguel Zubiri na gawin itong Mindanao peace envoy.
Ayon kay Zubiri, siguradong malaki ang magagawa ni Pacquiao sa pagpapanatili ng kapayapaan sa Mindanao dahil halos tinitingala na ito ng halos lahat ng mga Pilipino.
Isang resolusyon din ang inihain ni Zubiri na humihiling na pormal na kilalanin ng Senado ang tagumpay na natamo ni Pacquiao laban kay Oscar De La Hoya.
Sa Senate Resolution 792 na ikinasa ni Zubiri, sinabi nito na dapat kilalanin si Pacquiao bilang katangi-tanging boksingero sa kasaysayan ng Pilipinas.
Nanalo si Pacquiao laban kay Oscar de la Hoya matapos na sumuko ang tinaguriang Golden Boy sa kanilang 12-round fight sa Las Vegas, Nevada nitong Linggo.
Si Pacquiao din ang binansagang kauna-una hang Asyano at Pilipino na nagwagi sa apat na magkakahiwalay na timbang, pang-siyam naman siya sa buong mundo na may ganitong reputasyon na kinabibilangan nina Tommy Hearns, Sugar Ray Leonard, Roberto Duran, de la Hoya, Floyd Mayweather Jr., at Roy Jones Jr. (Malou Escudero)