Tabla na sa unang pwesto sina Vice President Noli “Kabayan” de Castro at Nacionalista Party President Manny Villar para sa mga kakan didatong presidente sa 2010 elections, ayon sa resulta ng isang survey ng The Center and Data Advisors, Inc. nitong Nobyembre 17-20, 2008.
Nakakuha si Villar ng 16 percent upang makasama sa unang pwesto si De Castro na mayroon ding 16%.
Tumaas si Villar nang tatlong puntos mula sa 13 percent na nakuha nito sa survey ng The Center noong Hunyo habang nabawasan na man ng dalawang puntos si De Castro na dating may 18 percent.
Sumunod sina Sen. Loren Legarda (14%), dating Pangulong Joseph Estrada (13%), Sen Fran cis Escudero (12%), Sen Panfilo Lacson (8%), Sen Mar Roxas (8%) at MMDA Chairman Bayani Fernando (5%).
Sa pag-analisa ng The Center, nakakuha ng simpatya sa publiko si Villar nang maakusahan siyang nakinabang sa inilaang pondo sa kontrobersyal na C-5 Road extension project na inaasahang makatutulong sa pagpapaluwag ng daloy ng trapiko papasok at palabas ng Cavite mula sa Metro Manila.
Ipinapalagay din ng The Center na natutuwa ang mga Pilipino sa programa ni Villar sa pagtulong sa mga nagigipit na Overseas Filipino Worker. (Butch Quejada at Ellen Fernando)