^

Bansa

Kabayan at Villar tumabla

-

Tabla na sa unang pwesto sina Vice Pre­sident Noli “Kabayan” de Castro at Naciona­lista Party President Manny Villar para sa mga kakan­ didatong presidente sa 2010 elections, ayon sa re­sulta ng isang survey ng The Center and Data Advisors, Inc. nitong Nob­yem­bre 17-20, 2008.

Nakakuha si Villar ng 16 percent upang maka­sama sa unang pwesto si De Castro na mayroon ding 16%.

Tumaas si Villar nang tatlong puntos mula sa 13 percent na nakuha nito sa survey ng The Center noong Hunyo habang na­bawasan na­ man ng dala­wang pun­tos si De Castro na da­ting may 18 percent.

Sumunod sina Sen. Loren Legarda (14%), dating Pangulong Joseph Estrada (13%), Sen Fran­ cis Escudero (12%), Sen Panfilo Lacson (8%), Sen Mar Roxas (8%) at MMDA Chairman Bayani Fer­nando (5%).

Sa pag-analisa ng The Center, nakakuha ng sim­patya sa publiko si Villar nang maaku­sahan siyang nakina­bang sa inilaang pondo sa kontrobersyal na C-5 Road extension pro­ject na inaasahang maka­tutulong sa pag­papaluwag ng daloy ng trapiko papa­sok at pa­labas ng Cavite mula sa Metro Manila.

Ipinapalagay din ng The Center na natu­tuwa ang mga Pilipino sa pro­grama ni Villar sa pag­tulong sa mga na­gigipit na Overseas Filipino Worker. (Butch Quejada at Ellen Fernando)

BUTCH QUEJADA

CENTER AND DATA ADVISORS

CHAIRMAN BAYANI FER

DE CASTRO

ELLEN FERNANDO

LOREN LEGARDA

METRO MANILA

OVERSEAS FILIPINO WORKER

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PARTY PRESIDENT MANNY VILLAR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with