^

Bansa

Pagkakakulong ni Jocjoc sa Senado iligal

- Ni Malou Escudero -

Mistulang nakaku­ha kahapon ng kakam­pi sa Senado si dating Agriculture Under­sec­retary Jocelyn “Jocjoc” Bolante matapos sa­bihin ni Senador Mi­riam Defensor-San­tiago na labag sa Kons­titusyon o iligal ang pagkakakulong ng una sa basement ng gusali ng Senado sa Pasay City.

Sa isang pahayag na ipinalabas ni San­tiago na kasalukuyan pa ring naka-sick leave na lu­ ma­labas na may conflict sa pagitan ng constitutional privilege against self-incrimination at Senate Rules kaugnay sa contempt.

Ayon kay Santiago, ginagarantiyahan ng Konstitusyon na wa­lang sinumang mama­mayan ang maaaring pilitin na tumestigo la­ban sa kan­yang sarili pero, sa Senate Rules, maaaring pa­rusahan ng mga sena­dor at i-contempt ang sinu­mang testigo na hindi magsasabi ng totoo o iiwas sa mga ta­nong sa imbestigasyon.

Mismong ang Supreme Court na umano ang nagsasabi na mag­kaiba ang testigo at akusado.

Ipinaliwanag pa ni Santiago na lumalabas na hindi lamang isang testigo si Bolante kundi isang suspek dahil sa diumano’y paglabag nito sa batas kabilang na ang perjury, malversation of public funds at plunder.

Dahil isang suspek umano si Bolante, ma­aari itong tumanggi na maupo sa witness stand bilang isang tes­tigo.

Ayon pa kay Santia­go, ang karapatan ng isang akusado laban sa self-incrimination ay ina-apply din sa mga administrative investigations katulad ng legislative inquiries.

Samantala, hindi na­tuloy ang hearing kaha­pon ng Senate Blue Ribbon Committee ni Sen. Richard Gordon kaug­nay sa P728M fertilizer fund scam at sa halip ay ipinagpaliban ito para sa Miyerkules.

Mas pinagtutuunan ngayon ng mga sena­dor ang pagpasa sa 2009 national budget.

vuukle comment

AGRICULTURE UNDER

AYON

BOLANTE

PASAY CITY

RICHARD GORDON

SENADO

SENADOR MI

SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE

SENATE RULES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with