Ipinagbunyi ng buong bansa sa pangunguna ni Pangulong Arroyo ang pagkapanalo ni People’s champ Manny “Pacman” Pacquiao laban kay Golden Boy Oscar dela Hoya.
Sa kanyang mensahe, sinabi ng Pangulo na ang panalo ni Pacman ay nagpapatunay lamang ng kakayahan ng mga Filipino at katatagan sa pagharap sa hamon ng buhay.
“Pacquiao has proven once again: Magaling ang Pinoy at bayani ang Pinoy!,” dagdag pa ng Chief Executive.
Kasabay nito, pinuri din ni Mrs. Arroyo ang Team Pacquiao na nagtrabaho ng overtime at ipinakita sa mundo na kapag may team work ay kayang-ka yang harapin at pagwagian ang anumang laban.
Nanawagan din ang Pangulo sa taumbayan na tularan ang ginawa ng Team Pacquiao na pagkakaisa at team work na naging daan para sa tagumpay ng pambansang kamao.
Aniya, kung magkakaroon ng team work at pagkakaisa ang bawat Filipino ay malalampasan natin ang economic slowdown.
Tinawag naman ni Press Secretary Jesus Dureza ang panalo ni Pacquiao kay dela Hoya bilang “malaking tagapagkaisa sa mga Pilipino rito at maging sa ibang bansa”.
“Manny indeed is making boxing history. While he was an underdog to bookies and matchmakers abroad, he was already a winner to all Filipinos,” wika ni Dureza kasabay ng pagpuri kay Pacquiao sa kanyang 8th round technical knockout win kay De La Hoya sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
“We are all truly proud of him,” dagdag ni Du reza.
PInarusahan ni Pacquiao si de La Hoya gamit ang malalakas na suntok sa katawan at ulo. Pagdating ng 7th round, kitang-kita na sa kilos ni de La Hoya ang parusang inabot sa Pinoy boxing champion.
Upang makaiwas sa dagdag pang kahihiyan, nagpasya si de La Hoya na huwag nang lumaban pagdating ng ninth round na nagbigay kay Pacquiao ng panalo.
Samantala, ineendorso ni Sen. Juan Miguel Zubiri ang kapwa niya taga-Mindanao na si Pacman na maging ambassador of peace.
Naniniwala si Zubiri na makukumbinsi ni Pacquiao ang mga taga-Mindanao upang magkaisa para sa kapayapaan.
Kaugnay nito, pinaghahandaan na ang gagawing hero’s welcome kay Pacquiao mula sa pagdating nito sa Pilipinas dala ang karangalan ng bansa.
Si Pacquiao ay inaasahang darating sa ban sa mula US sa Disyembre 10 kasama ang Team Pacquiao.
Maiiwan naman sa Amerika ang kanyang maybahay na si Jinky na 8 buwang buntis at doon na manganganak.