^

Bansa

Pinoy pinagkaisa sa panalo ni Pacquiao

- Nina Rudy Andal, Butch Quejada At Ellen Fernando -

Ipinagbunyi ng bu­ong bansa sa pangu­nguna ni Pangulong Arroyo ang pagkapanalo ni People’s champ Manny “Pacman” Pac­quiao laban kay Gol­den Boy Oscar dela Hoya.

Sa kanyang men­sahe, sinabi ng Pangulo na ang panalo ni Pac­man ay nagpapatunay lamang ng kakayahan ng mga Filipino at ka­tatagan sa pagharap sa hamon ng buhay.

“Pacquiao has pro­ven once again: Maga­ling ang Pinoy at bayani ang Pinoy!,” dagdag pa ng Chief Executive.

Kasabay nito, pinuri din ni Mrs. Arroyo ang Team Pacquiao na nag­trabaho ng overtime at ipinakita sa mundo na kapag may team work ay kayang-ka­ yang ha­rapin at pagwa­gian ang anumang laban.

Nanawagan din ang Pangulo sa taumbayan na tularan ang ginawa ng Team Pacquiao na pag­ka­kaisa at team work na na­ging daan para sa ta­gum­pay ng pambansang ka­mao.

Aniya, kung magka­karoon ng team work at pagkakaisa ang bawat Filipino ay malalampa­san natin ang economic slowdown.

Tinawag naman ni Press Secretary Jesus Dureza ang panalo ni Pacquiao kay dela Hoya bilang “malaking taga­pagkaisa sa mga Pili­pino rito at maging sa ibang bansa”.

“Manny indeed is making boxing history. While he was an underdog to bookies and matchmakers abroad, he was already a winner to all Filipinos,” wika ni Dureza kasabay ng pagpuri kay Pacquiao sa kanyang 8th round technical knockout win kay De La Hoya sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

“We are all truly proud of him,” dagdag ni Du­ reza.

PInarusahan ni Pac­quiao si de La Hoya gamit ang malalakas na suntok sa katawan at ulo. Pagdating ng 7th round, kitang-kita na sa kilos ni de La Hoya ang parusang inabot sa Pinoy boxing champion.

Upang makaiwas sa dagdag pang kahihiyan, nagpasya si de La Hoya na huwag nang luma­ban pagdating ng ninth round na nagbigay kay Pac­quiao ng panalo.

Samantala, ineen­dorso ni Sen. Juan Mi­guel Zubiri ang kapwa niya taga-Mindanao na si Pacman na maging ambassador of peace.

Naniniwala si Zubiri na makukumbinsi ni Pac­quiao ang mga taga-Mindanao upang mag­kaisa para sa kapaya­paan.

Kaugnay nito, pinag­hahandaan na ang gaga­wing hero’s welcome kay Pacquiao mula sa pag­dating nito sa Pilipinas dala ang karangalan ng bansa.

Si Pacquiao ay ina­asahang darating sa ban­ sa mula US sa Disyembre 10 kasama ang Team Pacquiao. 

Maiiwan naman sa Amerika ang kanyang maybahay na si Jinky na 8 buwang buntis at doon na manganganak.

BOY OSCAR

CHIEF EXECUTIVE

DE LA HOYA

JUAN MI

LA HOYA

PACQUIAO

PINOY

SHY

TEAM PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with