Police heroism sa Parañaque shootout
Pinapurihan kahapon ni Philippine National Police Chief Jesus Verzosa ang mga miyembro ng pulisya at mga sibilyan na nada may sa naganap na shootout kamakalawa ng gabi sa Parañaque City kasabay ng pagdalaw ng una sa pagamutang pinagdalhan sa mga nasugatan.
Tinawag ni Vezosa na isang malaking katapa ngan ang ipinamalas ng kapulisan sa gitna ng pagtupad sa kanilang tungkulin na ibinuwis ang sarili nilang buhay ma-protektahan lamang ang publiko laban sa masasamang elemento.
“Bravery of our men in line of their duty. We have dedicated police officers go beyond the call of their duty, willing to sacrifice their lives to protect the public from the fangs of criminal elements,” sabi ni Verzosa.
Partikular na pinapuri han ni Verzosa si Police SSupt Eleuterio Gutierrez ng Highway Patrol Group (HPG) Special Operations Division na hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay patuloy pa ring nakikipaglaban kay kamatayan sa Medical Center ng Parañaque City.
Si Gutierrez na kasapi ng Philippine Military Academy (PMA) batch ’86 ay tinamaan ng bala sa ulo at malubhang nasugatan habang pinapangunahan ang isinagawang responde ng kanyang grupo sa naganap na running gun-battle sa pagitan ng mga operatiba, grupo ng Waray-Waray at Ozamis robbery holdup syndicates kamakalawa ng alas-8:30 ng gabi sa Sucat, Parañaque City.
Bukod naman kay Gutierrez ay dalawa pang mga miyembro ng Special Action Force, isang barangay tanod at isa pang security guard ang malubhang nasugatan sa nasabing enkwentro.
Dahil naman sa nasabing insidente ay umapela rin si Verzosa sa publiko na makipagtulungan sa awtoridad sa pagsugpo sa masasamang elemento. (Rose Tamayo-Tesoro)
- Latest
- Trending