^

Bansa

Ipagdasal natin si Pacquiao - PGMA

- Ni Malou Escudero -

Mismong si Pangu­long Gloria Arroyo na ang humihiling sa lahat ng mga Filipino na ipag­dasal ang panalo ni Peo­ple’s champ Manny “Pac­man” Pacquiao la­ban kay Oscar dela Hoya na magsa­sagupa ngayon.

Ipinarating ni Presidential Management Staff head Cerge Re­mon­de, ang mensahe ng Pangulo na humihi­ling na mag­kaisa ang mga Pilipino at ipag­dasal si Pacquiao.

Ayon pa kay Re­mon­de, kahit isang laban ni Pacquiao ay hindi pina­lampas ng Pangulo at manonood din ito sa te­le­bisyon.

“Ang mensahe ng ating Pangulo ay mag­kaisa tayong sambaya­nang Pilipino to give prayers and moral support for the triumph and victory of Manny Pac­quiao in Las Vegas,” sabi ni Remonde sa isang panayam.

Ayon kay Remonde, ‘close’ naman umano sina Arroyo at Pacquiao na kapwa sumusuporta sa isa’t isa.

“She has not missed any fight of Manny Pac­quiao... Medyo close si Presidente at Manny, si Manny is very supportive of the President,” ani Remonde.

Ang panalo umano ni Pacquiao ay maituturin ng panalo rin ng samba­yanang Pilipino.

Ikinuwento pa ni Re­monde na sa huling laban ni Pacquiao kung saan nasa labas ng bansa ang Pangulo, nanood ito sa Los Angeles airport.

May garantiya na si Pacquiao na makaka­tangap ng $11 milyon sa laban niya kay dela Hoya ngayon.

AYON

CERGE RE

GLORIA ARROYO

LAS VEGAS

MANNY PAC

PACQUIAO

PANGULO

PILIPINO

REMONDE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with