^

Bansa

Mga preso pabobotohin sa 2010

-

Malaki ang posibilidad ngayon na makaboto sa darating na 2010 Presidential at Local Elections ang 95% ng 62,000 bilanggo na hawak ng Bureau of Jail Management and Penology at mga provincial jails sa buong bansa.

Sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Under­secre­tary for Public Safety, Atty. Marius Corpus na guma­gawa na ng ‘draft’ ng me­kanismo ang Commission on Elections, Commission on Human Rights, mga ki­natawan ng Caritas Manila at BJMPsa pagpapa­tupad ng pagboto ng mga preso.

Nasa 95% umano ng mga bilanggo sa bansa ay kasalukuyang dini­dinig pa ang mga kaso sa korte at hindi pa napa­patunayang nagkasala kaya nasa kanila pa rin ang “rights to suffrage” o karapatan na makaboto.

Sinang-ayunan na­man ito nina CHR commissioner Leila de Lima at Comelec Commissioner Rene Sarmiento na du­malo sa pulong ng natu­rang mga ahensya kaha­pon sa DILG.

Inatasan na ni Corpus si BJMP chief, Director Rosendo Dial na mag­sagawa ng ‘survey’ kung gaano karaming mga bilanggo ang kuwali­pikado para makapag­parehistro at makaboto.  

Sa inisyal na napag­kasunduang proposal, ang DILG ang magsi­silbing “recommending authority” sa mga ku­walipikadong mga preso habang personal na magtutungo na­man ang mga election officers buhat sa Comelec sa espesyal na ‘polling pre­cints’ na itatayo sa tabi ng mga bilangguan.

Tiniyak naman ng BJMP at Philippine National Police (PNP) ang mahigpit na pagbabantay sa mga bilanggo na bo­boto sa araw ng elek­syon. (Danilo Garcia)

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CARITAS MANILA

COMELEC COMMISSIONER RENE SARMIENTO

DANILO GARCIA

DIRECTOR ROSENDO DIAL

HUMAN RIGHTS

LOCAL ELECTIONS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with