^

Bansa

P6.93M nasa Russia pa

-

Naiinip na ang Philippine National Police (PNP) sa paghihintay para maibalik ang 105,000 Euros (P6.93M) na nasabat kay dating PNP Comptrollership ret. Director Eliseo de la Paz sa Russia.

Halos dalawang buwan matapos ang ‘Euro scandal‘ na kinasangkutan ni de la Paz ay hindi pa rin naibabalik sa savings account ng PNP ang naturang halaga.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Nicanor Bartolome, hanggang ngayon ay wala pa ring natanggap na incident report o ang resulta ng imbestigasyon ng Russian authorities ang PNP kaugnay ng pagkaka­harang kay dela Paz.

Paulit-ulit na anya ang kanilang request sa mga awtoridad sa Russia para sa kopya ng incident report subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito natutugunan.

“Siguro dahil mayroon silang peculiarities doon. Hindi pare-pareho ang bawat bansa sa kanilang procedures at policies,” ayon kay Bartolome.

Si dela Paz at misis nitong si Maria Fe ay naharang sa Moscow airport noong Oktubre 11 matapos madiskubre sa bagahe nito ang limpak na salapi.

Ang nasabing halaga ay baon umano ng 8-man team PNP delegates para sa International Police Conference sa St. Petersburg, Russia noong Oktubre 6-10. (Joy Cantos)

DIRECTOR ELISEO

INTERNATIONAL POLICE CONFERENCE

JOY CANTOS

MARIA FE

NICANOR BARTOLOME

OKTUBRE

PAZ

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SPOKESMAN CHIEF SUPT

ST. PETERSBURG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with