Na-hit-and-run: Pinay comatose sa Cyprus

Isang Pinay domestic helper ang na-comatose matapos na mabiktima ng “hit-and-run” sa ban­sang Cyprus.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA), nananatiling wa­lang malay sa pagamu­tan ang biktimang si Desiree Lopez.

Si Lopez, na pitong taon na umanong nagta­tra­baho sa isang pana­derya sa Cyprus, ay na-comatose matapos ma­sa­­gasaan at takasan ng isang motorsiklo noong Oktubre 2.

Kaugnay nito, bina­tikos ng mga Pinoy sa Cyprus ang mga opis­yales ng Philippine consulate sa natu­rang bansa dahil sa uma­no’y kabi­guang tulungan si Lopez.

Akusasyon ng mga ito, tanging ang pakiki­pag-ugnayan sa mga kaanak ng DH sa Pili­pinas ang ginawa ng gob­yerno dahil hindi umano legal ang pag­tatrabaho ng DH sa dayu­hang bansa.

Anila, isang Cypriot na nakapag-asawa ng Pinay ang tanging nagbi­bigay ng pinansyal na tulong nga­yon sa bik­tima( Mer Layson)

Show comments